SORRY! I POSTED THE WRONG MATH HOMEWORK! )):
Forgive me?
I mean, I am going to type the Filipino notes...
Wastong GamitNang at Na1.) Nang-- Isang pangatnig na ginagamit sa
a.) Hugnayang Pangungusap
Dapat mapatawan ng parusa ang mga taong may kagagawan ng masaker sa Maguindanao nang mapatunayang may hustisya sa ating bayan.
b.) Pag-uugnay na Pandiwa at Pang-Abay
Tangkilikan nang lubusan ang wikang Filipino.
c.) Pag-uulit ng dalawang salita
Iyak nang iyak ang mga namatayan.
d.) Maaring mangahulugan ng Noon
Nang kabataan ni Rizal, marami and humahanga sa kanya.
2.) Ng-- Isang pantutukoy o katagang ginagamit upang ipakilala ang pangngalan.
Halimbawa: Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.May at Mayroon3.) May-- Ginagamit kapag sinusundan ito ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, at panghalip na panao sa kauklang paari at pantukoy na "mga"
4.) Mayroon-- Ginagamit kapag sinusundan ito ng kalaga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo. Ginagamit din itong panagot sa tanong.
Halimbawa: Mayroon daw saksi sa nangyaring masaker.Sila at Sina; Nila at Nina5.) Sila at Nila-- Panghalip na pananong palagyo
Sina at Nina-- Pantukoy na pantanging ngalan ng tao
6.) Subukin at Subukan
Subukin-- Na ngangahulugang tingnan ang kakayahan o kaalaman. Tingnan kung magagawa.
Halimbawa: Subukin mong sagutin ang mga tanong.Subukan-- Nangangahulugang manmanan, maliyagan, tiktikan o palihim na subaybayan.
Halimbawa: Subukan natin kung talagang mag-aaral siya.7.) Pahiran at Pahirin
Pahiran-- Lagyan sa pamamagitan ng pagpapahid.
Halimbawa: Pahiran mo ng matikilya ang tinapay.Pahirin-- Alisin ang dumi sa mukha, katawan, at iba pa sa pamamagitan ng pagpupunas.
Halimbawa: Pahirin mo ang uling sa iyong katawan.8.) Alisin at Alisan
Alisin-- Ihiwalay sa kasamahan; ilipat sa ibang lugar; hubarin;tanggalin sa kinalalagyan o sa katungkulan.
Halimbawa: Alisin mo na siya sa pagiging pangulo.Alisan-- Ihiwalay ang bagay na hindi kailangan; bawasan; hubaran; bawian.
Halimbawa: Alisan mo ng mga tuyong dahon ang halamang iyan.9.) Iwan at Iwanan
Iwan-- Nangangahulugang pabayaan o lisanin sa kinaroroonan.
Iwanan-- Bigyan o magtira ng anuman bago lisanin o pabayaan ang isang pook o ang isang tao.
10.) Mga Panlaping Nagsisimula sa pang-; mang-; at sing-; magsing-;
Nagbabago ang mga panlaping nabanggit kapag ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa D, L, R, S at T.
Halimbawa:Pang-- Pa
ndalawahan; Pa
nlalaki; Pa
nradyo; Pa
nsiyam; Pa
ntali
Mang-- Ma
ndudula; Ma
nlalaro
magsing-- Magsi
ndunog; Magsi
nlaki; Magsi
ntaas
Nagbabago pa rin ang anyo ng mga panlaping pang-; mang-; magsing-; at sing- kapag ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa P at B.
Halimbawa:Pang-- Pambata; Pampataba
Mang-- Mambabatas; mambabato
magsing-- Magsimbait; Magsimpantay
11.) Daw-Raw; Din-Rin
Daw at Din-- Karaniwang ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
Raw at Rin-- Ginagamit kapag sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig
12.) Dito-Rito; Diyan-Riyan
Dito Diyan-- Ginagamit sa simula ng pangungusap at nagbabago ang anyo kapag ginamit sa loob ng pangungusap at ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig kaya ang ponemang D ay nagiging R.
13.) Panlaping "Ika"
Ika-4 -- May gitling kapag tambilang ang ginagamit.
Ikaapat -- Walang gitling kapag pasalita ang gamit.
Ikalabing-apat -- May gitling dahil nag-sisimula sa patinig ang salitang-ugat at nagtatapos sa katinig ang panlapi
14.) Panlaping "Taga-" at "Maka-"
Halimbawa:Taga: Taga-maynila; Taga-amerika;
Maka: Maka-Marcos; Maka-Hapon
Taga: Taganayon; Tagabundok
Maka: Makabayan; Makatao