Wednesday, December 2, 2009

Filipino Notes-- Wastong Gamit

SORRY! I POSTED THE WRONG MATH HOMEWORK! )):
Forgive me?

I mean, I am going to type the Filipino notes...

Wastong Gamit
Nang at Na

1.) Nang-- Isang pangatnig na ginagamit sa
   a.) Hugnayang Pangungusap
Dapat mapatawan ng parusa ang mga taong may kagagawan ng masaker sa Maguindanao nang mapatunayang may hustisya sa ating bayan.
b.) Pag-uugnay na Pandiwa at Pang-Abay
Tangkilikan nang lubusan ang wikang Filipino.
c.) Pag-uulit ng dalawang salita
Iyak nang iyak ang mga namatayan.
d.) Maaring mangahulugan ng Noon
Nang kabataan ni Rizal, marami and humahanga sa kanya.


2.) Ng-- Isang pantutukoy o katagang ginagamit upang ipakilala ang pangngalan.
Halimbawa: Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.

May at Mayroon

3.) May-- Ginagamit kapag sinusundan ito ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, at panghalip na panao sa kauklang paari at pantukoy na "mga"

4.) Mayroon-- Ginagamit kapag sinusundan ito ng kalaga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo. Ginagamit din itong panagot sa tanong.
Halimbawa: Mayroon daw saksi sa nangyaring masaker.

Sila at Sina; Nila at Nina

5.) Sila at Nila-- Panghalip na pananong palagyo
Sina at Nina-- Pantukoy na pantanging ngalan ng tao

6.) Subukin at Subukan
Subukin-- Na ngangahulugang tingnan ang kakayahan o kaalaman. Tingnan kung magagawa.
Halimbawa: Subukin mong sagutin ang mga tanong.
Subukan-- Nangangahulugang manmanan, maliyagan, tiktikan o palihim na subaybayan.
Halimbawa: Subukan natin kung talagang mag-aaral siya.

7.) Pahiran at Pahirin
Pahiran-- Lagyan sa pamamagitan ng pagpapahid.
Halimbawa: Pahiran mo ng matikilya ang tinapay.
Pahirin-- Alisin ang dumi sa mukha, katawan, at iba pa sa pamamagitan ng pagpupunas.
Halimbawa: Pahirin mo ang uling sa iyong katawan.

8.) Alisin at Alisan
Alisin-- Ihiwalay sa kasamahan; ilipat sa ibang lugar; hubarin;tanggalin sa kinalalagyan o sa katungkulan.
Halimbawa: Alisin mo na siya sa pagiging pangulo.
Alisan-- Ihiwalay ang bagay na hindi kailangan; bawasan; hubaran; bawian.
Halimbawa: Alisan mo ng mga tuyong dahon ang halamang iyan.

9.) Iwan at Iwanan
Iwan-- Nangangahulugang pabayaan o lisanin sa kinaroroonan.
Iwanan-- Bigyan o magtira ng anuman bago lisanin o pabayaan ang isang pook o ang isang tao.

10.) Mga Panlaping Nagsisimula sa pang-; mang-; at sing-; magsing-;
    Nagbabago ang mga panlaping nabanggit kapag ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa D, L, R, S at T.

Halimbawa:
Pang-- Pandalawahan; Panlalaki; Panradyo; Pansiyam; Pantali
Mang-- Mandudula; Manlalaro
magsing-- Magsindunog; Magsinlaki; Magsintaas

    Nagbabago pa rin ang anyo ng mga panlaping pang-; mang-; magsing-; at sing- kapag ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa P at B.

Halimbawa:
Pang-- Pambata; Pampataba
Mang-- Mambabatas; mambabato
magsing-- Magsimbait; Magsimpantay

11.) Daw-Raw; Din-Rin
Daw at Din-- Karaniwang ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
Raw at Rin-- Ginagamit kapag sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig

12.) Dito-Rito; Diyan-Riyan
Dito Diyan-- Ginagamit sa simula ng pangungusap at nagbabago ang anyo kapag ginamit sa loob ng pangungusap at ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig kaya ang ponemang D ay nagiging R.

13.) Panlaping "Ika"
Ika-4 -- May gitling kapag tambilang ang ginagamit.
Ikaapat -- Walang gitling kapag pasalita ang gamit.
Ikalabing-apat -- May gitling dahil nag-sisimula sa patinig ang salitang-ugat at nagtatapos sa katinig ang panlapi

14.) Panlaping "Taga-" at "Maka-"
Halimbawa:
Taga: Taga-maynila; Taga-amerika;
Maka: Maka-Marcos; Maka-Hapon
Taga: Taganayon; Tagabundok
Maka: Makabayan; Makatao

4 comments:

  1. TNXX. . . I LEARN A LOT

    ReplyDelete
  2. thanks! this is really helpful :)

    ReplyDelete
  3. Kaway-kaway sa mga St.Clement Of Rome na mga taga CCC dyaan na masisipag sa pag gawa ng assignment para kay Sir Darius 😂😂😂

    ReplyDelete
  4. Kaway-kaway sa mga St.Clement Of Rome na mga taga CCC dyaan na masisipag sa pag gawa ng assignment para kay Sir Darius 😂😂😂

    ReplyDelete